Tiniyak ng Malacañang ang tuloy-tuloy na negosasyon ng Pilipinas at Estados Unidos ukol sa 17% na taripa na ipinataw sa Philippine exports sa ilalim ng Trump administration.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Department of Trade and Industry (DTI) at opisina ng Presidential Assistant for Investment Affairs sa U.S. Trade Representative.
Nangyayari ito habang papalapit ang deadline ng 90-day pause sa tinaguriang “liberation day” tariff ng Amerika.
Ayon kay Sec. Frederick Go, positibo ang resulta ng kanilang meeting sa Washington D.C. nitong May 2.
ADVERTISEMENT
Binuo na rin ang technical working group mula sa DTI para ayusin ang mga detalye ng trade talks.



