Tinawag ng Malacañang na fake news ang umano’y pagkalugi ng P1.7 trillon sa Philippine Stock Market dahil sa isyu ng korapsyon.
Ayon kay special assistant to the president for investment and economic affairs Frederick Go, mali ang datos na binanggit ni Securities and Exchange Commission chairman Francis Lim na batay umano sa isang pekeng post sa social media.
Giit ni Go, kinumpirma mismo ng pinagmulang source na fake news ito.
ADVERTISEMENT
Aniya hindi 12% ang ibinaba ng market kundi 1 point 58 percent lamang mula August 11 hanggang 29.
Idiniin din ni Go na madaling beripikahin ang impormasyon at hinikayat ang publiko na huwag magpaloko sa fake news.
Tumanggi namang magkomento ang palasyo nang tanungin kung may kaharaping parusa si Lim.
ADVERTISEMENT
Samantala, humingi ng paumanhin si SEC chairperson Francis Lim matapos magsalita hinggil sa P1.7 trillion na nawala sa market value ng mga kompanyang nakalista sa stock exchange.
Ayon kay Lim, nabatid niyang peke ang ulat na pinagbatayan ng kaniyang pahayag.
Giit ni Lim, layon lamang niyang ipakita ang masamang epekto ng korapsyon sa tiwala ng mga investor.
ADVERTISEMENT
Nananatili naman daw na ang kampanya ng sec hinggil sa transparency, good governance, at proteksiyon sa mga investor.



