Ipinatupad na ng Presidential Communications Office ang bagong dress code para sa mga journalist na nag-uulat sa Malacañang.
Sa bagong guidelines inatasan na magsuot ng konserbatibo at neutral na business attire ang mga miyembro ng Malacañang Press Corps sa mga press briefing.
Nawal ang makukulay na damit, rubber shoes, slippers at flip-flops. Dapat naka-closed shoes din ang harap at likod ng paa.
Pinapaalalahanan din ang mga mamamahayag na maging maayos ang anyo, i-silent ang mga telepono, at iwasang mag-ingay sa press room.
Bahagi ang bagong dress code nang naunang tangka ng PCO na magpatupad ng mas mahigpit na media accreditation rules na sa ngayon ay naantala pa dahil sa mga konsultasyon.