Diretsang hinarap ni House minority leader Marcelino Libanan si Executive Secretary Lucas Bersamin ukol sa umano’y executive order na inihahanda raw ng Malacañang.
Usap-usapan kasi ngayon ang draft order na bubuo ng isang independent panel para imbestigahan ang maanomalyang flood control projects.
Kinumpirma na nga ito ni Bersamin pero iginiit na hindi layon ng Palasyo na lalong uminit ang sigalot sa kamara.
Nag-ugat ito sa pahayag ni Bersamin noong weekend na huwag isisi sa executive branch ang korapsyon sa mga budget insertions na pinagmulan ng anomalya.



