Mariing itinanggi ng Malacañang ang mga ulat na kulang sa pondo at suporta ng gobyerno ang Independent Commission for Infrastructure (ICI).
Sa briefing, inamin ni Communications Undersecretary Claire Castro na nagkaroon ng kaunting delay sa paglabas ng ₱41 milyong budget ng komisyon, ngunit nasa ICI na raw ang pondo.
Giit pa ni Castro, ibinigay ng Pangulo ang lahat ng kailangan ng komisyon.
Habang umiwas naman si Castro na sagutin ang mga isyu ukol sa posibleng resignation ng iba pang miyembro ng ICI.



