Tiniyak ng Malacañang na walang sisinuhin ang gobyerno sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero kahit pa anila sikat ang sangkot o makapangyarihan pa.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro na kailangang panagutin ang lahat ng may kinalaman sa kaso para maibigay ang hustisya sa mga biktima.
Ito’y matapos ituro ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan ang negosyanteng sina Atong Ang at aktres na si Gretchen Barreto kasama ang ilang pulis at dating opisyal ng LGU na sangkot umano sa kidnap at pagkawala ng mga sabungero.
Samantala, bukas naman ang DOJ sa pagkonsidera kay patidongan bilang state witness depende sa tapang at katotohanan ng kanyang salaysay.
Habang tumanggi munang magbigay ng komento ang palasyo sa ulat na tumakbo umanong Mayor si Patidongan sa Surigao Del Sur sa ilalim ng partido ni Pangulong Marcos Junior.