Malacañang, iginiit na walang sasantuhin sa imbestigasyon ng mga nawawalang sabungero | News Light

📅 July 4, 2025 01:04 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 01:06 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light, Latest News

Tiniyak ng Malacañang na walang sisiin ang gobyerno sa imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero—kahit pa anila sikat ang sangkot o makapangyarihan pa.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, kailangang panagutin ang lahat ng may kinalaman sa kaso para maibigay ang hustisya sa mga biktima.

Ito’y matapos ituro ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan ang negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto, kasama ang ilang pulis at dating opisyal ng LGU, na sangkot umano sa kidnap at pagkawala ng mga sabungero.

Samantala, bukas naman ang Department of Justice (DOJ) sa pagkonsidera kay Patidongan bilang state witness, depende sa tapang at katotohanan ng kanyang salaysay.

Habang tumanggi munang magbigay ng komento ang Palasyo sa ulat na tumakbo umanong mayor si Patidongan sa Surigao del Sur sa ilalim ng partido ni Pangulong Marcos Jr.