Malacañang, iginiit na hindi posible ang walang unprogrammed funds sa 2026 budget | News Light

📅 October 9, 2025 2:37 PM PHT  |  ✏️ Updated October 9, 2025 2:38 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 News Light, Latest News

Imposibleng mangyari na walang maisamang unprogrammed funds sa budget para sa 2026, base sa pahayag ng Malacañang kahapon.

Kasunod ito ng panawagan ni Akbayan Representative Chel Diokno na tanggalin na ang lahat ng unprogrammed appropriations (UA) para mapaliit ang lumobo nang panukala.

ADVERTISEMENT

Paliwanag naman ng Palasyo, ang mga pondong ito ay nakalaan para sa mga kaso ng emergency at ilang proyekto.

Ayon naman kay Undersecretary Claire Castro, kung may nangangamba man, may sapat na pagbabantay sa nasabing pondong wala pang pupuntahan upang masigurong hindi ito mananakaw. (Denniel Salayo/ News Light)