Muling bumwelta ang Palasyo sa mga batikos ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa ginagawang hakbang ng administrasyon laban sa anomalya sa flood control projects.
Binanatan ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, ang pagpuna ni Duterte na ‘mabagal’ ang Pangulo sa pagbuo ng independent commission for infrastructure.
Buwelta ni Castro, baka raw kasi matagal na nag-stay sa kuweba si VP Sara o kailangan na niya ng mas malakas na salamin at hearing aid para malaman ang ginagawa ng Pangulo.
Iginiit din ng Palasyo na hindi nagmamadali si Marcos Jr. sa imbestigasyon taliwas sa “ejk-style” ng nakaraang administrasyon.
ADVERTISEMENT
Binanatan din ni Castro, si dating Pangulong Rodrigo Duterte na ania’y umamin mismo na “korap” siya nung 2017.



