Makasaysayang PICC, muling binuksan matapos ang anim buwang renovation

📅  |  ✏️ Updated

Muling nagbukas sa publiko ang tinaguriang kauna unahang International Convention Center sa Asya anim na buwan matapos ang rehabilitasyon nito.

Mismong si PBBM ang nagpasinaya sa paglulunsad muli ng gusali sabay sa ika 50 taong anibersaryo ng makasaysayang pasilidad.

Present din sa okasyon sina First Lady Liza Marcos at dating Unang Ginang na si Imelda Marcos.

Ang PICC ay disenyo ng yumaong natl artist Leandro Locsin.

Una itong nagbukas taong 1975 nang ganapin rito ang IMF World Bank meeting sa Maynila.

ADVERTISEMENT

Dito rin ginanap ang iba pang malalaking okasyon.

Mula sa 1994 miss universe pageant at 2017 ASEAN summit, hanggang sa  samut saring graduation at concerts.

At sa bagong bihis ng PICC ay magsisilbing venue naman ito para nakatakdang ASEAN summit sa 2026.