Magpapatuloy ang mainit na panahon sa buong bansa ngayong linggo, ngunit asahan ang panaka-nakang pag-ulan tuwing hapon.
Isang low pressure area (LPA) ang namataan sa West Philippine Sea at inaasahang mananatili hanggang Lunes o Martes bago ito tuluyang mawala.
Maaaring mabuo rin ang isa pang LPA sa Southern Luzon o Eastern Visayas sa Martes, ngunit inaasahang mawawala rin ito pagsapit ng Miyerkules o Huwebes.
Magdudulot ito ng pag-ulan sa Mimaropa sa Lunes, habang maaapektuhan naman ang Bicol at Eastern Visayas sa mga susunod na araw.
Samantala, makakaranas ng maalinsangang panahon at mga thunderstorm tuwing hapon o gabi ang Northern at Central Luzon, Calabarzon, Panay, Negros, at Mindanao dahil sa easterlies at inaasahang frontal system sa weekend.
ADVERTISEMENT
Sa Metro Manila, magiging maulap mula Lunes hanggang Huwebes, na may mga posibleng pag-ulan tuwing hapon o gabi, habang maaraw sa umaga.



