Maiingay na tambutso, mahigpit na ipinagbabawal sa Infanta

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: PNP CALABARZON

Mahigpit nang ipinatutupad sa Infanta, Quezon ang pagbabawal sa mga motor na may maingay na tambutso. 

Ito ay ayon sa Executive Order No. 2 ni Mayor LA Ruanto at Municipal Ordinance No. 12, Series of 2014.

Ang sinumang lalabag ay pagmumultahin ng P2, 500 at posible ring ma-impound ang motor.

Sa katunayan, may ilang motorista na ang na-sample-an.

Ayon sa LGU, layon ng patakarang ito na panatilihing tahimik at maayos ang Infanta.

ADVERTISEMENT

Paalala ng awtoridad sa mga motorista, maging responsable at sumunod sa ordinansa para maiwasan ang gulo sa komunidad.