Mahigit 60 contractors na sangkot sa flood control mess, posibleng ipa-blacklist – Malacañang | News Light

📅

Mahigit 60 kontratista ang posibleng ipagbawal na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bidding o pagkuha ng anumang proyekto ng pamahalaan, ayon sa Malacañang.

Giit ni Palace Spokesperson Atty. Claire Castro, kasalukuyang nasa proseso na ang Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) sa pag-blacklist ng labing-anim na infrastructure contractors.

Bukod dito, binawi na ang lisensya ng apat pang kumpanya, ngunit hindi pa binanggit ang pangalan ng mga ito.

Siniguro naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makakaapekto sa implementasyon ng mga infrastructure project ang blacklisting dahil may mga kontratista pang maayos magtrabaho.

ADVERTISEMENT

Dagdag ni Castro, walang dapat ikatakot ang mga kontratistang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan dahil nangako ang pangulo na mababayaran agad sila.

Noong Setyembre noong nakaraang taon, una nang binawi ang lisensya ng siyam na kumpanyang pagmamay-ari o may kaugnayan sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya dahil sa “ghost” projects at maanomalyang paggamit ng mga pondong natanggap para sa mga proyekto.