Mahigit 40,000 pamilya sa Quezon, inilikas bunsod ng Super Typhoon Uwan

📅
👤 rasibag  |  📂 DZJV Radyo CALABARZON
Photo courtesy of Quezon PIO

Mahigit 40,000 pamilya na binubuo ng 130,000 indibidwal ang lumikas sa iba’t ibang evacuation center sa Quezon Province dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ‎kabilang sa mga lumikas ay mula sa Brgy. 10, Brgy. 9 at Brgy. Cotta, Lucena City, na tinatayang binubuo ng 160 pamilya o katumbas ng halos 730 indibidwal.

Patuloy ang pamamahagi ng relief goods at pagkain sa pamamagitan ng mga Satellite Office sa bawat bayan at lungsod.