Mahigit 40 katao, nasawi sa sunog sa isang housing estate sa Hong Kong | News Light

📅
Photo courtesy of RTHK

Umabot na sa 44 katao ang nasawi, samantalang 279 pa rin ang pinaghahanap matapos sumiklab ang malaking sunog sa isang housing estate sa Hong Kong mula pa kahapon.

Nagsimula bandang alas-2 ng hapon ang sunog at itinaas ang top-level No. 5 alarm bandang alas-6 ng gabi dahil nabalot na ng apoy at makapal na usok ang residential blocks sa Tai Po District.

Ayon sa mga pulis, marami silang natanggap na report ng nawawala at posibleng na-trap sa mga gusali.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si President Xi Jinping at iginiit na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang mabawasan ang bilang ng nasawi at nawalang ari-arian.