
Arestado ang isang tricycle driver na tinaguriang high-value drug personality sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA Region 4A Special Enforcement Team 1, PDEA Laguna, at PNP Cavite Maritime Police Station sa Brgy. H2 Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Acmad”, residente ng Brgy. Datu Esmael.
Narekober sa suspek ang tinatayang 600 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱4.08 milyon, kasama ang buy-bust money.
Mahaharap si Acmad sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
ADVERTISEMENT
Habang una umanong itinanggi ng suspek ang paratang, ngunit kalauna’y inamin din ang pagkakakilanlan matapos ipakita ang CCTV footage.



