Mahigit 21-K trabaho, alok sa Labor Day Job Fairs sa Calabarzon

๐Ÿ“… May 1, 2025 02:05 PM PHT  |  โœ๏ธ Updated June 3, 2025 12:49 PM PHT
๐Ÿ‘ค Maricon Rodriguez  |  ๐Ÿ“‚ Batangas, Cavite, DZJV Radyo CALABARZON, Laguna, Quezon, Rizal
Photo Courtesy: PIA-CALABARZON

Nasa 21,614 job openings ang inihanda ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region IV-A para sa Labor Day job fairs sa CALABARZON, ngayong araw ika-1 ng Mayo.


Ayon kay DOLE IV-A Director Atty. Erwin Aquino, patuloy ang paglago ng trabaho sa rehiyon dahil sa pag-unlad ng mga industriya gaya ng manufacturing, construction, at agrikultura.


Kabilang sa mga pangunahing sektor ang electronics, automotive parts, food processing, at mga export zones sa Cavite, Laguna, at Batangas.


Kasalukuyang ginaganap ang job fair sa anim na Job Fair Sites sa rehiyon na kinabibilangan ng SM Santo Tomas (Batangas), SM San Pedro at Grandshoppe Cabuyao (Laguna), SM Taytay, Robinsons Antipolo (Rizal), at Robinsons Imus (Cavite).


May one-stop-shop services din sa mga nabanggit na mall mula sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng SSS, PhilHealth, PSA, at PAG-IBIG.


Dagdag ni Aquino, malaki ang tulong ng sunod-sunod na pagtaas ng minimum wage sa rehiyon na ngayon ay nasa P450โ€“P560.


Batay sa datos, as of January 2025, nasa 93.9% na ang employment rate sa CALABARZON.