Mahigit 19,000 kalahok mula sa 16 bansa ang sumabak sa Galaxy Manila Marathon nitong weekend sa SM Mall of Asia Grounds.
Humigit-kumulang 3,000 dito ang tumakbo sa 42K race na dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Maynila.
Ang karera, na inorganisa ng Runrio, ay kinilala ng Philippine Athletics Track and Field Association at bahagi ng World Athletics Rankings Competition, na may sertipikasyon mula sa World Athletics.
Umabot din sa record-breaking 7,000 runners ang lumahok sa 21K category — ang pinakamalaking bilang para sa isang half-marathon sa bansa.
ADVERTISEMENT
Bukod sa mga elite runners gaya ni Nikko Huelgas, sumabak din ang ilang personalidad tulad nina Rica Peralejo-Bonifacio, Ramon Bautista, at Bernadette Sembrano.



