
Sisimulan na ang konstruksyon ng 15.33-kilometer Bagupaye-San Pedro Farm-to-Market Road with Bridges sa Mulanay, Quezon, sa ilalim ng Department of Agriculture – PRDP Scale-Up at suporta ng lokal na pamahalaan.
Dadaan ang proyekto sa mga barangay ng Bagupaye, Cambuga, Mabini, at San Pedro, at makikinabang dito ang humigit-kumulang 9,140 na mga residente. Sa halagang P495.5 milyon, inaasahang bababa ang travel time mula mahigit dalawa at kalahating (2.8) oras, sa labing siyam na (19) minuto at mababawasan ang transport losses ng mga produkto.
Layon ng proyekto na mapabilis ang biyahe ng mga magsasaka patungo sa merkado at mga karatig bayan tulad ng San Francisco at San Narciso. Target itong matapos sa Hunyo 2027.
Ayon kay DA-PRDP South Luzon Director Fidel Libao, malaki ang maitutulong ng proyekto sa kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar.