Nasamsam ng mga otoridad sa isang bodega sa Talisay, Cebu ang mahigit ₱38 milyong halaga ng puslit na bigas.
Nasabat noong Miyerkules sa Barangay San Roque ang 26,000 na sako ng bigas na mula sa Pakistan at Vietnam.
Bigo ang may-ari ng bodega na makapagpakita ng kaukulang dokumento kaya kinordon ang bodega para hindi mailabas ang mga bigas. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)



