Maginhawa Street, buhay na buhay sa ika-3 Maginhawa Arts and Food Festival | News Light

📅

Mga kaakibat, naghahanap ba kayo ng spot sa Manila bago mag-Pasko?

Baka gusto ninyong dumaan sa Maginhawa Street, isa sa pinakasikat na food destinations sa Quezon City.

Dinagsa ng daan-daang bisita ang ika-3 Maginhawa Arts and Food Festival, ang pinakamalaking community festival sa lungsod sa ngayon.

Ayon kay Betty Cantiga ng Maginhawa Food Community, isa itong pagtutulungan ng Quezon City LGU, Tourism Office, at ng samahan ng mga restaurant owners sa Maginhawa.

Layunin din ng festival na bigyang oportunidad ang mga small at startup businesses na maipakita ang kanilang mga produkto, kabilang ang 140 food at non-food merchants at mas pinalakas na arts at crafts booths.

ADVERTISEMENT

Libre ang pasok sa festival na nagsimula alas-9 ng umaga at magtatapos bago maghatinggabi, habang pinapayuhan ang mga motorista na umiwas muna sa ilang bahagi ng Maginhawa Street na pansamantalang isinara.