Mag-asawang nangikil ng P1.5 million sa isang complainant ng missing sabungeros case, timbog sa Taytay, Rizal

📅

Kalaboso ang mag-asawa sa Taytay, Rizal dahil sa umano’y tangkang pangingikil sa isang complainant ng missing sabungeros case

Arestado ang mag-asawa sa isang entrapment operation na isinagawa ng Criminal Investigagtion and Detection Group nitong September 15.

Ayon sa PNP, tinangka umanong suhulan ng P1.5 milyon ng mga suspek ang isang complainant para bawiin ang kanyang statement sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Kinilala ang complainant bilang si Jaja Pilarta kapareha ni John Claude Inonog na nawala noong 2022.

ADVERTISEMENT

Iginiit ni Pilarta, na matagal na siyang hina-harass ng mga suspek, na kamag-anak umano ng kanyang partner.

kasong grave coercion at obstruction of justice ang kinakaharap ng mga suspek na nasa kustodiya na ng CIDG.