Kinumpirma ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maayos ang nagiging takbo ng Zero Balance Billing program ng Department of Health (DOH).
Kasunod ito ng pag-inspeksyon ng Pangulo sa East Avenue Medical Center sa Quezon City kung saan nasa 18,000 pasyente ang na-discharge nang walang binayarang hospital bills.
Giit ni PBBM, ikinatuwa niya ang naturang report dahil napagtatagumpayan aniya ng gobyerno ang naturang programa.
Ang Zero Balance Billing ay ang government medical assistance program na pinopondohan sa tulong ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), PAGCOR at mga pondo ng mga DOH hospitals.
ADVERTISEMENT
Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga medical personnel ng naturang ospital para sa kanilang serbisyo.



