Kinikwekstiyon ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor kung bakit hinayaan ng Department of Public Works and Highways at ng Commission on Audit ang ilang Flood Control Projects sa kanilang probinsya na makapasa sa inspection at audit sa kabila ng pagiging mga substandard ng mga naturang proyekto.
Isiniwalat rin ng gobernador na nagkakahalaga ng P1 billion per kilometer ang proyekto na agad rin namang nawasak matapos ang isang taon.
Ikinagalit rin niya nang madiskubreng ang mga materyales sa kahabaan ng ‘Mag Asawang Tubig’ at ‘Bukayaw River’ ay nahati umano sa maliliit na parte upang maparami at makamenos ang sa gastos sa proyekto.
Giit ni Dolor, bukod sa anyay substandard ang proyekto sa probinsya overpriced pa ito.



