Ipasusubasta ng Bureau of Customs ang 13 luxury cars ng Discaya couple sakaling mapatunayang ipinuslit lamang ito papasok ng pilipinas.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, pitong sasakyan ang walang import entry habang anim naman ang may kuwestiyonableng papel.
Tinatayang aabot sa P110 milyong ang hindi nabayarang buwis ng mag-asawa.
Naglabas na ng warrant of seizure ang Customs bilang simula ng pormal na proseso ng forfeiture.
Magkakaroon ng pagdinig sa October 9 para mabigyan ng panibagong pagkakataon ang pamilya Discaya na depensahan ang kanilang mga dokumento.
ADVERTISEMENT
Bago isubasta, kailangan pang aprubahan ng Department of Finance ang forfeiture.
Bahagi pa rin ito ng imbestigasyon ng senado sa umano’y anomalya sa flood control projects na konektado sa mga Discaya.
Samantala, sampu sa mga tauhan ng Customs ang binigyan ng show-cause order dahil sa posibleng lapses sa paglabas ng mga luxury vehicles.



