Ginagamit ng artist na si Christiam Ramos ang pira-pirasong lumang denim para lumikha ng kahanga-hangang mga portrait ng sikat na personalidad at mga hayop.
Sa maingat na pag-aayos ng iba’t ibang shade ng tela, nakagagawa siya ng mga obrang detalyado at kakaiba, bawat isa’y inaabot ng halos isang buwan gawin at hindi kailanman mauulit.
Kabilang sa kanyang denim masterpieces sina Marilyn Monroe, Audrey Hepburn, at David Bowie, pati na rin ang mga hayop tulad ng leon at leopardo, na may presyong umaabot mula $9,000 hanggang $15,000.
ADVERTISEMENT
Ayon sa 45-anyos na Mexican artist na nakabase sa Orlando, Florida, bawat piraso ay natatangi dahil sa oras at teknik na ibinubuhos niya rito.
Nagsimula siyang gumamit ng denim apat na taon na ang nakalilipas matapos ma-inspire sa isang lumang pares ng pantalon mula sa kanyang kabataan, na nagpaalala sa kanya na ang denim ay may dalang mga alaala, sandali, at tibay ng panahon.




