LTO, pinalawig ang ‘Palit Plaka’ program sa NCR | News Light

📅

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang operasyon ng Palit Plaka program sa lahat ng driver’s license renewal offices (DLRO) sa National Capital Region (NCR).

Sa pahayag ni LTO-NCR Director Roque Verzosa III noong Sabado, bibilis ang pamimigay ng mga plaka sa mga may-ari ng motorsiklo na hanggang ngayon ay walang plate number sa kanilang certificate of registration o gumagamit pa rin ng motor vehicle (MV) file number.

Nagpaalala naman ang ahensya na maaari nang makuha ng mga may MV file number na nagsisimula sa 13 at 1801 kung mayroon nang nabigyan ng seven-character plate, may six-character green plate, at nagparehistro noong 2017 o mas maaga pa.

Makikita sa social media page ng LTO ang listahan ng mga opisina na maaaring puntahan para sa Palit Plaka program.