Nagbabala ang Land Transportation Office sa mga motorista na sisimulan na nila ang mas mahigpit na pagbabantay pagsapit ng agosto laban sa mga di-rehistrado at delikadong sasakyan sa kalsada.
Ayon kay LTO chief Vigor Mendoza, iimpound ang mga sasakyang may expired registration maging amg mga sasakyang may sira o basag na windshield, kalbo o manipis ang gulong, sobrang usok sa tambutso at mga kulang na spareparts.
Pagmumultahin din ang operator ng mga sasakyang ito.
Base sa datos ng LTO, dumami ang mga ganitong violations kaya pinaigting ang kampanya kasama ang iba-ibang ahensya ng gobyerno.
Layunin ng administrasyong Marcos na bawasan ng 35 percent ang mga disgrasya sa daan hanggang 2028 sa ilalim ng Philippine road safety action plan.