LTFRB, nagsimula na ng inspeksyon sa mga terminal para sa Undas | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Inatasan ni LTFRB Chairperson Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors ng ahensya na magsagawa ng inspeksyon sa mga bus at transport terminals bilang paghahanda sa paggunita ng Undas sa Nobyembre 1 at 2.

Binanggit din ni Mendoza ang kahalagahan ng malilinis at maayos na comfort rooms sa mga terminal, na dapat ay walang bayad o may minimal na singil.

Dagdag pa rito, kailangan ding may maayos na waiting areas at booking system para sa mga pasahero.

Umaasa ang LTFRB na magiging maayos ang mga terminal ng sasakyan hindi lamang tuwing Undas o holiday.