Nagbabala ang PAGASA na asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Bicol Region, Central at Eastern Visayas, Aurora, Quezon, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Quirino, at Nueva Vizcaya dahil sa epekto ng low pressure area (LPA).
Apektado rin ng trough ng LPA ang Metro Manila, Mimaropa, natitirang bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, at Visayas na posibleng makaranas ng flash floods at landslides dulot ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa mga mababang lugar.



