Namatatan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) sa kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro kaninang madaling araw.
Dahil diyan, magiging maulap na may kalat-kalat na ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa at Western Visayas dahil sa epekto ng LPA.
Samantala, asahan ang ulan sa Cagayan Valley bunsod ng easterlies, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng paminsan-minsang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Nagbabala ang Pagasa sa posibilidad ng flash flood at landslide bunsod ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan.
ADVERTISEMENT
Dagdag pa ng ahensya, mababa ang posibilidad na maging tropical depression o bagyo ang LPA sa susunod na 24 oras.



