LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility, posibleng maging bagyo

📅 June 13, 2025 12:20 PM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 12:20 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Latest News

Heads up po mga ka-A2Z, as of 2:00 pm ngayon, June 12, 2025 may mataas na tsansang maging tropical depression sa loob ng dalawampu’t apat na oras ang low pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

May layo ang LPA na 180 kilometers hilaga ng Itbayat, Batanes.

Samantala asahan na ang malalakas na pag-ulan mula ngayon hanggang Biyernes ng hapon, June 13, dahil sa habagat at Low Pressure Area.

Matinding ulan ang Mararanasan sa Batanes, Cagayan, Pangasinan, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.

Pinapayuhan ang publiko at mga MDRRMO na maging alerto at maghanda sa anumang banta.