LPA, posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras ayon sa PAGASA

📅

Mga ka A2Z, malaking tyansa nang maging bagyo sa susunod na 24 na oras ang binabantayang Low Pressure Area.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA may layong 1,060 kilometers sa silangan ng South eastern Luzon.

Kumikilos ito pakanluran at tatawagin itong Ramil.

Bagamat wala pang kasiguraduhan ang magiging track o dadaanan nito posible naman na tahakin nito ang Cagayan at isabela at posibleng mag-landfall Sabado ng gabi o Linggo ng umaga.

Gayunpaman, posible rin itong kumilos at daanan ang patungo sa Bicol sa Sabado paakyat ng Isabela o Aurora sa Linggo.

ADVERTISEMENT

Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Easterlies o mainit at maalinsangang hangin mula sa Pacific ocean ang nakakaaapekto sa malaking silangang bahagi ng Luzon at Visayas.

Patuloy na mararanasan ang maulap at maulang panahon partikular na sa Cagayan, Isabela, Aurora, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Quezon, Metro Manila, Rizal, Bicol, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz at Eastern Visayas.

Asahan pa rin ang landslide at flashflood kaya naman ingat po.