LPA na papasok ng PAR, may katamtamang tyansang maging ganap na bagyo

📅  |  ✏️ Updated

Isa nang ganap na Low Pressure Area ang binabantayang sama ng panahon sa silangan ng bansa na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility nitong gabi.

Sa huling update ng PAGASA ,may katamtamang tyansang maging ganap na bagyo ang naturang LPA  sa loob ng dalawang araw.

Nitong Martes ay kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran at posibleng tahakin muli ang Luzon.

Kung sakali tatawigin itong bagyong “Paolo” una nang sinabi ng PAGASA na posible ang dalawa hanggang apat na bagyo sa bansa ngayong Oktubre.

ADVERTISEMENT

Samantala, may umiiral ding easterlies o mainit na hangin mula pasipiko na posible namang magdala ng kalat kalat na paguulan sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol.