LPA, isa nang ganap na bagyo | News Light

📅 July 4, 2025 12:13 PM PHT  |  ✏️ Updated July 4, 2025 12:13 PM PHT
👤 Newslight  |  📂 Ulat Panahon, Latest News, News Light

Isa na ngang ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area sa kanlurang bahagi ng Extreme Northern Luzon.

Nabuo ang bagyo bandang alas-2 ng madaling araw at tatawagin itong Bagyong Bising.

Huling namataan ang bagyo sa layong 200 km kanluran-hilagang kanluran ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at pagbugso na umaabot ng 55 kph.

Kumikilos ito pa-timog kanluran sa bilis na 20 kph.

Direktang nakakaapekto ang Bagyong Bising sa hilagang bahagi ng Luzon partikular na sa Ilocos Norte at Babuyan Islands, Apayao, at Batanes.

Nakataas ang Signal No. 1 sa Ilocos Norte at Babuyan Islands.

Asahan na ang lalabas din ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo ngayong araw. (Sarah Lagsac-Arsenio/ News Light)