Nagbabala ang PAGASA na makararanas ng maulan at maulap na panahon ang ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) at shear line.
Namataan ang LPA sa kanluran ng Puerto Princesa City, na magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Kalayaan Islands.
Maaapektuhan din ng shear line ang Cordillera, Cagayan Valley, Aurora at Quezon na posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Samantala, ang hilagang bahagi ng Luzon kabilang ang Batanes at Ilocos Norte ay makararanas lamang ng mahihinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.
ADVERTISEMENT
Patuloy rin ang banta ng thunderstorms sa Bicol, Visayas at Mindanao na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha lalo na sa mga mababang lugar.



