Nagbabala ang PAGASA na ang low pressure area na nasa 705 km silangan ng Eastern Visayas ay patuloy na makaaapekto sa panahon ngayong araw.
Dulot ng shear line, makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at ilang thunderstorms ang Catanduanes, Albay, Sorsogon, at ilang bahagi ng Samar.
Sa Cagayan Valley, CAR, Aurora, at Quezon, patuloy namang magdadala ang northeast monsoon ng mga pag-ulan na may banta rin ng pagbaha.
ADVERTISEMENT
Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang kalangitan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon na may mahihinang pag-ulan ngunit walang inaasahang malaking epekto.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay maaaring makaranas ng mga biglaang pag-ulan o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms, na posibleng magdulot ng pagbaha sa matinding buhos ng ulan.




