Posibleng mabuo bilang bagyo sa susunod na 24 oras ang namataang Low Pressure Area sa timog na bahagi ng guam ngayong Lunes, October 13.
Ayon sa state weather bureau na PAGASA, huling namataan ang LPA may layong 2,295 kilometers sa silangan bahagi ng Southern Mindanao umaga ng Lunes.
Inasahan namang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang LPA sa Biyernes kung saan papangalanan ito bilang bagyong Ramil.
Ito ang ika-labing walong bagyo na papasok sa bansa ngayong taon at pangatalo naman ngayong Oktubre.
ADVERTISEMENT
Kikilos ito pa-hilagang kanluran sa Philippine Sea at inaasahang magla-land fall sa bansang Taiwan sa susunod na linggo.



