Nakapasok na ng teritoryo ng bansa ang low pressure area sa bandang Mindanao, ayon sa ulat ng PAGASA.
Kaninang 3:00 ng umaga, nakapasok ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayang low pressure area na huling namataan sa layong 695 kilometro silangan ng General Santos City.
Sa ulat ng PAGASA, maliit ang tyansa na maging ganap na bagyo ang LPA sa loob ng 24 oras ngunit magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Mindanao at Palawan dulot ng pinagsamang epekto nito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
ADVERTISEMENT
Sa Metro Manila naman at iba pang bahagi ng bansa, patuloy ang mainit at maaalinsangang panahon sa tanghali dulot ng easterlies at maliit na posibilidad ng pag-ulan sa hapon at gabi.




