Love bus, idineploy ng DOTr sa Davao Oriental

📅

Matapos ang pagtama ng 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental noong biyernes, agad na ipinag utos ni acting Transportation chief Giovanni Lopez ang pagde-deploy ng love bus sa naturang lugar.

Ito’y bilang tugon sa mga pasaherong na stranded habang may kalamidad.

Base rin ito direktiba ng Pangulo na magsama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan para mabilis na mabigyan ng tulong ang mga naapektuhan ng lindol.