Lolit Solis, pumanaw na sa edad na 78

📅 July 7, 2025 01:04 PM PHT  |  ✏️ Updated July 7, 2025 01:04 PM PHT
👤 BALITANG A2Z  |  📂 Balitang A2Z, Entertainment, Latest News, Showbiz

Malungkot na balita.

Pumanaw na ang talent manager, TV host, at veteran entertainment columnist na si Lolit Solis sa edad na pitumpu’t walo.

Kinumpirma ito ng aktor na si Nino Muhlach sa kanyang social media post.

Tumatak sa madla ang showbiz figure ni Manay Lolit sa kanyang maaanghang at matatapang na komentaryo at showbiz blind items sa mga peryodiko at social media.

Nakilala rin si Lolit sa entertainment talk show na ‘Startalk’ at sumikat sa kanyang ‘Bati minute’ kung saan mabilis niyang inaanunsyo ang mga pabati, na kailangang matapos sa loob ng isang minuto.

Lubos na nakikiramay po kami sa Balitang A2Z sa mga naiwang mahal sa buhay ni Manay Lolit.

Naging kontrobersyal din noong 1994 MMFF ang pangalan ni Lolit Solis ng ianunsyo si Gabby Concepcion at si Ruffa Gutierrez bilang mga nanalong aktor at aktres kung saan siya noon ang kasalukuyang manager.