Lockdown sa Batasan Complex ipatutupad simula July 23 | News Light

📅 June 25, 2025 12:31 PM PHT  |  ✏️ Updated June 25, 2025 12:38 PM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light, Latest News

Inanunsyo ng House of Representatives na magpapatupad ng lockdown sa Batasan Complex simula July 23 para sa seguridad sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa July 28.

Ito’y upang masiguro ang kaligtasan ng mga dadalo sa ika-apat na SONA ni PBBM.

Habang, kagaya ng nakagawian, maglalatag ng red carpet sa lobby ng North Wing para sa mga dadalo sa SONA.

Samantala, ayon sa Kongreso, nasa 200 institutional guests ang pinadalhan ng imbitasyon para sa ika-apat na SONA ng Pangulo.