Lisensya ng driver na nag-counterflow sa Skyway, habambuhay na ipinapakansela ng DOTr | News Light

📅  |  ✏️ Updated
👤 Carlene Latuna  |  📂 Uncategorized

Ipinag-utos ng Department of Transportation (DOTr) ang perpetual revocation o panghabambuhay na pagkansela ng lisensya ng driver na nag-counterflow sa Skyway noong madaling-araw ng Sabado.

Huli sa CCTV ang pag-counterflow ng SUV sa kahabaan ng runway elevated northbound section ng Skyway bandang 3:30 ng madaling-araw.

Sa video, makikita rin kung paano umiwas ang mga sasakyan sa naturang SUV upang maiwasan ang head-to-head collision.

Ayon kay Transportation Secretary Cince Dizon, hindi sapat ang suspensyon ng lisensya ng driver dahil nilagay niya sa peligro ang buhay ng mga driver na kasalubong nito.

ADVERTISEMENT

Ipinag-utos ni Dizon ang panghabambuhay na kanselasyon ng lisensya upang aniya hindi na pamarisan ang reckless driving nito.