Kinansela na ng Department of Transportation ang lisensya ng tatlong drayber ng Florida bus company na nasangkot sa karerahan sa Cagayan.
Ang problema, hindi pa pinapaharap ng GV Florida Transport Inc. ang tatlo pang drayber na sangkot rin umano sa insidente.
Pinapagpapaliwanag kasi ng Land Transportation Office ang mga drayber ukol sa viral video na kuha noong June 8 kung saan anim na unit ng Florida bus ang umanoy nagkakarerahan sa national highway.
Humingi ng tawad sa isang pahayag ang GV Florida nitong June 9, pero sinabing pinabilis ang naturang video.
Nagbabala naman ang LTO na posibleng makansela ang rehistro ng mga sangkot na bus kung hindi ito makikipagtulungan sa imbestigasyon.