Limitless 2025 media conference, matagumpay na naisagawa!

📅

Matagumpay na isinagawa ang Limitless Church Media Conference 2025 noong May 24 sa GCF South Metro, Las Piñas City.

Daan-daang kalahok mula sa iba’t ibang simbahan ang na-inspire at na-equip para sa mas makabuluhang media ministry.

Tampok sa event ang mga kilalang local at international na tagapagsalita na tinalakay ang mga mahahalagang paksa sa digital media, mula sa audio at sound design hanggang sa mas efektibong paggamit ng social media.

Isa sa mga tampok na sesyon ay ang “Reaching the Next Gen Through Media” na nagbigay ng konkretong hakbang kung paano mas mararating ang kabataan sa digital space.