Limang tripulanteng Pilipino, nasagip mula sa sinalakay at lumubog na cargo ship sa Red Sea | News Light

📅  |  ✏️ Updated

Nailigtas ang lima sa dalawampu’t isang Pilipinong seafarers na nasa MV Eternity C vessel na sinalakay umano ng Houthi rebels at lumubog sa Red Sea, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Ang cargo ship ay inatake umano ng drones at rocket-propelled grenades ng mga Iran-backed na Houthi militants.

Siniguro ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na patuloy ang kanilang rescue operations para sa natitirang mga tripulante.

Tiniyak rin ni Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan na sila sa mga pamilya ng mga nasagip at maghahatid ng tulong na kakailanganin ng mga ito.