Binuksan na sa publiko ang Likhang Filipino Exhibition Halls sa Roxas Boulevard, Pasay, upang ipakita ang husay at pagkamalikhain ng mga Pilipino.
Maaari nang bisitahin ang year-round showroom o marketplace na tampok ang iba’t ibang lokal na produktong gawa ng mga Pilipino.
Noong nakaraang linggo, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas nito.
Sa naturang exhibition hall, masisilayan ang mga likhang produkto ng mga designer, artisan, at entrepreneurs na nagpapakita ng mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
Tampok sa Likhang Filipino ang mga lokal na furniture, lighting, fashion, textiles, home decor, maging mga food products.
ADVERTISEMENT
Inaanyayahan ang mga Pilipino na bumisita at suportahan ang mga Pilipinong kalahok sa exhibition hall.
Bukas sa publiko tuwing Martes hanggang Linggo, alas-10 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.



