Libu-libong job seekers, kabilang ang senior high graduates, dumagsa sa Kalayaan job fairs nationwide | News Light

📅 June 13, 2025 11:11 AM PHT  |  ✏️ Updated June 13, 2025 11:13 AM PHT
👤 Giselle Crazo  |  📂 News Light, Latest News

Dinagsa ng libu-libong job seekers ang kaliwa’t kanang job fairs ng pamahalaan ngayong Independence Day holiday.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), halos 50 lugar sa bansa ang naglunsad ng job fairs.

Nasa mahigit 89,000 na bakanteng trabaho ang inaalok ng mahigit 900 employers.

Pagtitiyak pa ng ahensya, marami ring job opportunities para sa mga nakapagtapos ng senior high school at hindi na tumuntong ng kolehiyo.