Libreng gamit ng Skyway at NLEX Connector Road, ipatutupad habang inaayos ang EDSA

📅

Libre ang paggamit ng Skyway Stage 3 at NLEX Connector Road para sa lahat ng motorista simula June 13 habang isinasagawa ang EDSA Rebuild hanggang 2027, ayon sa Department of Transportation.

Pinayuhan din ng MMDA ang publiko na gumamit ng ‘Mabuhay Lanes’ bilang alternatibong ruta upang makaiwas sa mabigat na trapiko.

Ang EDSA Rebuild ay isasagawa upang palakasin ang imprastruktura ng daan, drainage, at mga pedestrian area sa EDSA highways.