Leila de Lima at Chel Diokno, tatayong House prosecutor sa impeachment trial ni VP Sara Duterte

📅 May 15, 2025 2:21 PM PHT

Matapos ang kanilang pagkapanalo sa party-list race nitong halalan, magsisilbing House prosecutor sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sina dating Senadora Leila de Lima at Atty. Chel Diokno.

Ayon kay De Lima, mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nagtanong kung gugustuhin niyang maging House prosecutor.

Hindi ito tinanggihan ni De Lima at hindi rin tumanggi si Diokno na maging House prosecutor.

Isa ang Akbayan party-list sa mga naghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

ADVERTISEMENT

Samantala, pabor si Romualdez kina De Lima at Diokno dahil sa kaalaman nila sa batas at pagsusulong ng hustisya.

Aniya, hindi layon ng House prosecutors na i-target ang Vice President kundi gampanan lang ang kanilang tungkulin ayon sa Konstitusyon.